Sunday, March 30, 2008

Ang Araw na 'to

Kakapagod as in, nagkitakita kami ng barkada ko together with my besfren's boyfriend. And i cant believe it ha, MATURED na ako, though im a bit selos pa din pero i was able to managed naman, yehey.

Sinundo ko sila sa BE_connected (GB4) then pumunta kami somewhere in Cogeo para sunduin ang special someone ng besfren (ouch!!!) afterwards tambay sa may Palawan 1 (a substandard videoke bar na oki naman kasi enjoy kaming magkakaibigan) mejo below our expectation kaya yun we decided to be in Synder (Malate, popular hub ng mga Nakpil goers). Madami kaming nainom, halos nalasing ang lahat. At around 5am siguro nung umuwi kami sa place ng besfren ko.
I just cant understand myself kasi kung matured na ako bakit i found myself lyin in my own bed ( i mean sa place na tinitirhan ko), according to my friends nagwalkout daw ako. Just to recover from that mess, i immediately went back to my besfrens place, ayun we have lunch together, salamat kay TOm sa isang masarap na sinigang.

Super kwentuhan, naisipang maglakad sa kahabaan ng EDSA para humanap ng ice cream. Ayun, masaya ang lahat. Kwentuhan uli, at makalipas ang ilang oras pa, kami ay nagpaalam na para umuwi sa kanyayanyang lungga. While on the way to LRT2 we decided to roam around GAteway and Ali Mall to find some poster (fyi:addict sa anime ang besfren ko!). Eto pa napagkamalan yata akong beggar nung saleslady nung anime shop na yun, kasi naman muntik na namin mabaag yung mga miniture ng mga di maintindihang characters eh, dahil i was supposed to check yung mga postcards na magaganda beside those, ayun sinigawan ako na "MAHAL YAN! DAHAN DAHAN! ORIGINAL YAN!..." Agad ko namang hinanap ang epal na saleslady at bakit kelangan nya sumigaw ayun napahiya yata sya sa amin, kasi naman akala mo kanya yung store... Buti sana kung kagandahan sya no... Walkout kami from that store, hanap ng iba pang store, eh hopeful naman kami na may makikita pa eh, super under major renovation ang Ali Mall, kaya walkaway na lang ang mga diwata.

We ended up having our dinner sa KFC ayun, enjoy ang lahat... napagtripang ubusin ang bucket meal and paglaruan ang mga styro n pinagkainan. after nun, home sweet home ang bawat isa... nagpaplano kung lalabas pa para uminom uli, pero parang di yata nakikisama ang aming mga katawan... ako ay maagang nahimlay sa higaan at nakatulog yun lang po.

ito na yata ang post kong pinakawalang kwenta.

No comments: